Isa ang patay sa pagsabog na naganap sa isang bahay sa Virginia.
Ayon sa mga opisyal ng bumbero sa Hanover County, tumugon ang kanilang mga tauhan nang may nagulat ng pagsabog sa bandang Billingswood Drive Sa Mechanicsville bandang alas-5 ng umaga.
Samantala, wala namang ibang nasaktan at sinabi ng mga opisyal na wala namang nakitang foul play sa indsidente at maliwanag na ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima ay ang pagsabog.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang puno’t dulo ng pagsabog, bagamat tinitignan na nila ang kinalaman dito ng narekober na burn barrel. —sa panulat ni Mara Valle