Patay ang isang pahinante ng truck matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Quezon.
Kinilala ang biktima na si Jose Oscar Plaza II, 25-anyos.
Sa report ng Gumaca Police, nasagasaan bigla umanong tumawid ang biktima habang paparating ang St. Jude bus na biyaheng Maynila galing Naga City sa Maharlika Highway.
Isinugod pa ito sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor sa Gumaca District hospital.
Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng bus na si Gerry Mojos na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide. —sa panulat ni Mara Valle