Isa na ang patay sa Rockport, Texas matapos mag-landfall ang hurricane Harvey sa southeastern United States.
Tinatayang 10,000 residente naman ang apektado at maraming mga poste ng kuryente at linya ng komunikasyon ang bumagsak dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.
Nagliparan din ang mga bubong at gumuho ang mga pader sa rockport na direktang tinamaan ng kalamidad.
Matapos tumama sa kalupaan, ibinaba sa category 1 mula sa category 4 ang status ng bagyo pero nagdudulot pa rin ito ng malakas na ulan.
Apektado rin ang ilang karatig lugar sa texas gaya ng houston ng pinaka-malakas na hurricane na tumama sa U.S sa nakalipas na mahigit isang dekada.
By Drew Nacino