Isa na ang patay makaraang mabagsakan ng equipment sa isang cement factory sa bayan ng Yuli sa kasagsagan ng malakas na lindol sa Taiwan, kahapon.
Apat katao naman ang na-trap sa isang gumuhong gusali at nasa 600 iba pa ang hindi rin nakabiyahe makaraang gumuho at magbagsakan ang mga bato sa Luishishi Mountain.
Sinuspinde rin ang byahe ng Taiwan railways administration sa Hualien City makaraang madiskaril ang isang tren.
Mag-a-alas-3 ng hapon, oras sa Pilipinas, nang yumanig ang magnitude 6.9 na lindol na natunton ang sentro, sa Taitung county.
Bukod sa Taipei, naramdaman din ang pagyanig sa mga karatig isla ng Okinawa, Japan; Fujian at Guangdong, China.
Samantala, tiniyak ni Manila Economic and Cultural Office chairman Silvestre Bello III na ligtas ang mga Pinoy sa Taiwan.