Isa ang patay habang 16 ang sugatan sa pagsabog ng isang car bomb sa Iraq.
Ayon sa militar, kabilang sa mga nasugatan ay apat na miyembro ng security forces.
Sinasabing isang sasakyan ang bigla na lamang sumabog sa mataong lugar sa siyudad ng Al-Qaim.
Wala pang grupong umaako sa naturang pambobomba ngunit naniniwala ang mga otoridad na isang uri ito ng terorismo.