Isang bumbero ang nasawi matapos sumabog ang isang fuel tank sa siyudad ng Barranquilla sa Colombia.
Kinilala ang biktima na si Javier Solano, 53-anyos, na nahulog habang nagaganap ang naturang pagsabog.
Ayon kay Barranquilla City Mayor Jaime Pumarejo, pinalikas na ang mga residente malapit sa lugar.
Sinabi ng mga otoridad na posibleng tumagal ng tatlo hanggang apat na araw bago tuluyang maapula ang apoy.
Mananatili namang suspendido ang operasyon ng pantalan sa Barranquilla hanggang sa maging fully controlled na ang sunog.
Samantala, tiniyak naman ni Colombian President Gustavo Petro ang suporta sa alkalde ng siyudad.