Isa ang napaulat na namatay habang isa rin ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa isang mall sa Divisoria, Manila.
Ayon sa Manila Police District Station 11, dakong alas 2:00 ng hapon kanina nang itawag sa kanila ang insidente ng pamamaril sa ikalawang palapag ng 999 mall.
Pansamantala namang isinara ang nasabing mall habang patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek na pinaniniwalaang hindi pa nakalalabas.
Isinugod naman sa ospital ang isang sugatan sa insidente na sinasabing misis ng nasawing biktima.