Isa ang naitalang nasawi habang 11 naman ang sugatan sa sumiklab na wildfire sa South Korea.
Napag-alaman namang short circuit sa isang poste ng kuryente ang pinagmulan ng malawakang sunog na umabot sa level three.
Natupok naman ang nasa 500 ektarya ng lupain at daan-daang bilang ng mga kabahayan.
Lubhang nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang malaking apoy kaya’t tumulong na ang iba pang kinauukulang ahensya upang mailikas ang nasa mahigit 4,000 mga residente.
Samantala magugunita namang una nang nagdeklara ng national disaster ang gobyerno ng South Korea bunsod ng naturang wild fire.