Isasailalim sa masusing technical inspection ng Philippine Air Force ang 1 sa 3 bagong bili nilang C-295 transport planes mula sa bansang Spain.
Ito’y ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Maynard Mariano matapos dumating sa Clark Airbase sa Pampanga ang naturang bagong eroplano kahapon.
Ayon kay Mariano, dati nang may 4 na C-295 medium lift transport planes kung saan, ang isa rito ay ginagamit ng 250th Presidential Airlift Wing.
Malaki aniya ang maitutulong ng mga C-295 aircraft dahil kaya nitong makalapag sa mga maiiksing runway tulad ng sa Pag-asa Island gayundin sa Batanes, Jolo at iba pang mga liblib na lugar sa bansa.
Matapos isailalim sa inspection ay pormal na itong tatanggapin ng Air Force habang may 2 pa silanng inaasahang darating din sa taong ito kasama ng 3 pang C-130 heavy lift aircraft na kanila ring binili.
- ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)