Isa sa 433 lucky bettor ang pumayag na magpakita at makapanayam ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, hindi sapilitan at may basbas umano ng mismong lucky winner na ilabas ang kaniyang pagkakakilanlan sa publiko.
Kasunod ito ng pagbatikos ng netizens matapos masungkit ng mga mananaya ang winning combination number na 9, 45, 36, 27, 18, at 54 na lumabas sa Grand Lotto 6/55 kamakailan na kauna-unahang nangyari sa kasaysayan ng PCSO.
Sa naging pahayag ng nanalong bettor, kaniyang sinabi na matagal na niyang inaalagaan ang nasabing mga numero dahil naniniwala ang kaniyang ama na swerte ito.
Bukod pa dito, ipinakita din ng naturang mananaya ang tsekeng kaniyang natanggap na nagkakahalaga ng mahigit P436, 196.