Isa sa apat na Filipino ang hindi pa rin kwalipikadong bumoto para sa 2016 elections hanggang ngayong ikalawang bahagi ng 2015.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations.
Pero, lumilitaw din sa SWS survey na tumaas na sa 76 na porsyento ng 1,200 respondents sa buong bansa ang rehistrado na para bumoto at mayroon na ring biometric data.
Katumbas ito ng 46.6 na milyong mga Filipinong kwalipikadong bumoto.
Mataas ito kumpara sa 63 porsyento noong Disyembre 2014.
Sa ilalim ng Republic Act number 10367, ang botanteng mabibigong makapagpa-validate para sa halalan sa mayo 2016 ay madede-activate sa voters list ng comelec at hindi maaaring makaboto.
By: Ralph Obina