Isa sa bawat tatlong pamilyang Pilipino ang nakaalis na sa kahirapan.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations kung saan tatlumpung porsyento ng mga ito ay binubuo ng mga hindi mahirap o non-poor at mga kaaangat pa lamang mula sa kahirapan o mga newly non-poor.
Sa naturang bilang, labing walong porsyento dito ay ikinukunsidera ang kanilang pamilya na mahirap higit limang taon na ang nakakaraan habang labin dalawang porsyento ang mahirap naman sa nakalipas na apat na taon.
Mas mababa sa dalawang porsyento ang mga naitalang newly non-poor kumpara sa 14 percent newly non poor na nairehistro noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ang naturang survey ay isinagawa sa may isanlibo dalawandaang respondents noong Marso a-bente tres hanggang a-bente siete.