Isa sa bawat tatlong miyembro ng pandaigdigang populasyon ay malnourished.
Ito’y ayon sa Global Nutrition Report at Senior Research Fellow sa International Food Policy Research Institute o IFPRI.
Sinabi ng lead author ng report na si Lawrence Haddad na mahihirapan ang mga pamilya, komunidad at mga bansa sa pag-usad dahil sa ganitong sitwasyon.
Ayon naman kay Dr. Corinna Hawkes, co-author ng report, hindi lamang ang mga mahihirap na bansa ang nakakaranas ng malnutrisyon kundi maging ang mga mayayamang bansa.
Nagaganap ang malnutrisyon kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakukuha ng sapat na sustansyang kailangan nito upang malabanan ang mga sakit at mabuhay nang malusog.
Tinukoy naman sa global report ang China na siyang isa sa mga bansa na unti-unting nakakalutas sa malnutrisyon.
Lumalabas din sa research findings na dapat palakasin pa ng bawat gobyerno ang mga programa nito upang maresolba ang naturang problema.
By Jelbert Perdez