Sinampahan ng kaso ang isa sa dalawang Pinoy na sangkot sa pagkamatay sa isang Pinay na kinilalang si Maria Cecilia Loreto 49-anyos, na natagpuan Marso noong nakaraang taon sa Burnaby Park sa New Westminster, Canada.
Nahaharap sa sampung taong pagkakakulong ang suspek na kinilalang si Carlo Castillo Tobias, 22-anyos na isa sa mga nambugbog sa biktima.
Ayon sa Medical at Autopsy report, sinaksak pa ng dalawang beses ang biktima saka binalot ng kumot at sinunog sa nabanggit na lugar.
Patuloy namang nililitis ang kaso ng isa pang suspek na isang menor de edad na hindi na pinangalanan para sa kasong first-degree murder at indignity to human remains. —sa panulat ni Angelica Doctolero