Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa dalawang suspek na sumira at nagnakaw ng ilang kagamitan sa sasakyan ng aktor na si Gerald Anderson.
Kinilala ito na si John Allen Dancel na sumuko sa NBI Special Action Unit (SAU).
Unang nabigo ang NBI na arestuhin si Dancel kasama ang isang pang suspek na si Benjamin Carreon sa isang hot pursuit operation sa Tondo, Maynila.
Dalawang bag ang nakuha ng mga suspek sa sasakyan na naglalaman ng P830K na mahahalagang bagay.
Patuloy namang pinaghahanap si Carreon. - sa panulat ni Abigail Malanday