Timbog ang isa sa mga commander ng New People’s Army o NPA sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Kinilala ang NPA Commander na si Rommel Salinas, na naka-base sa Western Mindanao at gumagamit ng maraming alyas gaya ng Mark at Domeng na nahulihan din ng isang granada.
Ayon kay Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista, commander ng 4th Infantry Division, inaresto si Salinas sa bisa ng limang (5) warrants of arrest sa kasong murder, frustrated murder at robbery.
Si Salinas ang secretary ng Sekong-Sendong Western Mindanao Regional Party Committee sa Barangay Gango ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Malaking dagok anya sa rebeldeng grupo ang pagkaka-aresto kay Salinas na nagsisilbing front secretary ng NPA at sangkot sa iba’t ibang insidente ng arson, extortion, murder at abduction sa Mindanao.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal