Hawak na ng pulisya ang isa sa mga itinuturong gunmen sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Chief Supt. Amador Corpuz, sumuko sa unit ng Philippine Army sa Pilar Sorsogon ang gunman na si Henry Yuson alyas Rommel kahapon.
Ito ay matapos pangalanan ng PNP ang anim na sa suspek sa pagpatay kay Batocabe at tukuyin si Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind sa krimen.
Samantala, kinumpirma ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na hawak na ng CIDG sa Kampo Krame ang unang dalawang naarestong suspek sa kaso na sina Emmanuel Rosello alyas Buboy at Christopher Naval alyas Tuping.
Gayundin ang unang sumukong si Emmanuel Jaduvar na kabilang sa nagplano pero kumalas nang isagawa ang krimen.
(Ulat ni Jaymark Dagala)