Nagluluksa ngayon ang buong radio industry matapos pumanaw ang isa sa mga haligi nito na si dating Radyo Patrol 8 Eladio “Ka Ely” Aligora sa edad na 72 dahil sa cardiac arrest.
Bago ang kanyang pagyao, si Aligora ay station manager ng DWIZ 882 AM Manila at Executive Vice President (EVP) ng Aliw Broadcasting Corp. (ABC).
Isinilang noong Feb. 18,1949, naging bahagi si Aligora ng makasaysayang special coverage ng DZMM, kasama si Radyo Patrol 12 Rod Izon at iba pa, sa pagtama ng malakas na lindol sa Luzon noong 1990.
Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Ka Ely sa Amethyst Chapel ng Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Ayon kay Ms. Shiela, anak ni Aligora, magsisimula ang public viewing bukas, Mayo 24 hanggang Mayo 27, 2021, ganap na alas-9:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.
Batay naman sa polisiya ng Loyola sa ilalim ng New Normal, 15 tao lamang ang maaaring pumasok sa loob ng chapel at hanggang 30 minuto lamang maaaring manatili ang bawat bisita.
Nagpapasalamat naman ang Pamilya Aligora sa lahat ng mga nagdasal at nanalangin sa pagpanaw ng kanilang haligi ng tahanan.
“Thank you very much for your outpouring of love and prayers for our daddy. We appreciate it with all our hearts,” wika ni Shiela sa ipinadala nitong mensahe sa DWIZ.