Natimbog ng Pasig City Police ang hinihinalang miyembro ng Amin Buratong Drug Syndicate sa isang buy-bust operation sa Barangay Pineda.
Kinilala ang suspek na si Antonio Intalan, 49 anyos, residente ng MRR Street.
Nasabat kay Intalan ang anim na maliit na sachet ng shabu at 27 medium-sized sachet na tumitimbang ng 190 grams at nagkakahalaga ng 1.25 Million Pesos.
Kabilang si Intalan top 10 high value target ng Eastern Police District.
Taong 2013, 2014 at 2017 nang maaresto ang suspek dahil sa kasong may kaugnayan pa rin sa iligal na droga subalit nakalaya matapos makapag-piyansa.