Sinalakay ng British police ang bahay na pag-aari ng matandang mag-asawa na kumukupkop sa mga batang refugee, bilang bahagi ng imbestigasyon sa pambobomba sa London subway.
Ang naturang bahay ay pag-aari nina Ronald Jones, walumpu’t walong taon at asawang si Penelope, pitumpu’t isang taong gulang.
Isa sa mga naunang inarestong binatilyo na kasabwat umano sa pambobomba ay pinaniniwalaang kabilang sa kinukupkop nina Jones.
Agad pinalikas ng mga awtoridad ang mga kapitbahay ng mag-asawa.
Gayunman, hindi pa nagbibigay ng detalye ang mga pulis sa kanilang isinagawang raid.
Tinatayang tatlumpung katao ang nasugatan sa pagsabog ng isang bombang itinanim sa balde sa Parsons Green tube station, noong Biyernes.