Kumpirmadong nasa Marawi City, Lanao del Sur pa ang isa sa mga leader ng ISIS-Maute group na si Abdullah Maute.
Ito ang inihayag ni Office of the Presidential Adviser on The Peace Process Assistant Secretary Dickson Hermoso makaraan ang walong (8) oras na humanitarian pause at ceasefire bilang respeto sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Ayon kay Hermoso, walong (8) Muslim leaders ang pumasok sa conflict zone o ground zero ng Marawi kasama ang rescue teams at nakausap si Abdullah pero hindi pa malinaw kung ano ang detalye.
Dahil sa pakiusap ng mga emisaryo ng gobyerno, pinalaya anya ng teroristang grupo ang lima (5) sa kanilang bihag na kinabibilangan ng isang sanggol at mga babae.
By Drew Nacino