Patay na umano si Abdullah Maute, isa sa tatlong leader ng ISIS-Maute sa Marawi City.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni AFP-western mindanao commander, Lt Gen. Carlito Galvez na nakuha nila ang nasabing impormasyon mula sa kanilang mga source.
Nahagip anya si Abdullah sa mga inilunsad na airstrike sa pagitan ng Agosto 14 at 26.
Gayunman, nilinaw ni Galvez na makukumpirma lamang nila ang impormasyon kung makikita nila ang bangkay ni Abdullah para isailalim sa DNA testing.
Samantala, kapatid naman ni Abdullah na si Omar na napabalitaang napatay na noon ay buhay pa hanggang ngayon batay sa kanilang pinakabagong hawak na impormasyon.