Tuluyan nang kakasuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isa sa mga mayors na inisyuhan nila ng show-cause order dahil sa paglabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Tumanggi si Densing na tukuyin ang pangalan ng alkalde subalit ipinahiwatig nya na hindi nakuntento ang DILG sa naging paliwanag ng alkalde.
Samantala, nakapagpaliwanag na anya ang ilan sa mga gobernador at mayors na kanilang nabigyan ng show cause order at binago na nila ang kanilang executive orders na tumataliwas sa mga panuntunan ng IATF kayat hindi na sila kakasuhan.
Tinukoy ni Densing si Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri na una nang inireklamo ng Banana at Pineapple Plantation sa Bukidnon dahil sa kautusan nito na nakakaapekto sa kanilang operasyon.
Maliban kay Zubiri, ang mga nabigyan ng show cause order ng DILG ay Sina Abra Governor Jocelyn Bernos, Antique Governor Rhodora Cadiao, Noveleta Cavita Mayor Dino Reyes Chua, Talisay Batangay Mayor Gerry Natanahan, Olongapo City Mayor Rolen Paulino at Dao Cavite Mayor Ernesto Escutin.
Gusto lang naman natin silang mag-align sa mga panuntunan ng IATF, kasi ‘yanang nasa batas sa Republic Act No. 11469. Pangalawa, syempre gusto natin ng katulong sa baba, pero kung sila mismo ang sumusuway, wala tayong magagawa kun’di tuluyan na silang kasuhan kasi sila na mismo ang sumusuway. Kung susuway sila, palitan namin sila ng mga tao na susunod sa mga panuntunan,” ani Densing. —sa panayam ng Ratsada Balita