Ganap nang ama ang isa sa mga miyembro ng bandang One Direction.
Ayon sa report, lalaki ang ipinanganak ni Los Angeles based stylist Briana Jungwirth bilang panganay nila ni Louis Tomlinson.
Sinasabing nagkaroon ng maikling relasyon sina Tomlinson at Jungwirth subalit in good terms naman sa kasalukuyan.
Si Tomlinson ay nauugnay nitong mga nakalipas na linggo sa 20 anyos na American actress na si Danielle Campbell.
Ang One Direction ay produkto ng The X Factor television show sa Britain.
By Judith Larino