Nakakatanggap ng death threats at bashing sa social media ang miyembro ng UP Diliman Student Council na naghain ng disqualification case laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagtakbo nito sa pagkapangulo.
Ayon kay John Paul delas Nieves, madalas na sinasabihan syang mamatay o kaya naman ay manakawan dahil sa kanyang pagtutol sa pagtakbo ni Duterte na isa umanong crime buster.
Habang may ilan naman ay idinamay maging ang kanyang kasintahan sa pagsasabing sana ay magahasa ito.
Aniya, ang asal ng mga supporter ng alkalde makikita na sa halip na inspirasyon ng pagkakaisa ay pananakot ang hatid ng mga ito.
Bagama’t pinigilan na ng kanyang mga magulang si delas Nieves ay desidido itong ilaban ang kanyang reklamo laban sa alkalde.
By Rianne Briones