Hinatid na sa huling hantungan ang isa sa mga nasawi sa mistaken identity at shootout incident sa Madaluyong City na si Jomar Hayawon.
Sigaw ng naiwang pamilya ng biktima ang hustiya sa pagkamatay nito.
Umapela din ito ng tulong sa gobyerno para sa pag-aaral ng naiwang tatlong (3) anak ni Hayawon.
Bukod kay Hayawon, napatay din sa insidente ang kanyang kasamang si Jonalyn Ambaan matapos pagbabarilin ng mga pulis ang kanilang sasakyan sa pag – aakalang ito ang getaway vehicle ng bumaril kay Jonalyn noong Disyembre 28, 2017 sa Barangay Additional Hills.
Una nang gumulong ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) hinggil sa shooting incident habang sinibak na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde si Mandaluyong City Police Chief Senior Superintendent Moises Villaceran, Jr. at sampung (10) iba pang pulis na sangkot sa nasabing insidente.