Binigyan ng hero’s burial si 1st Lt. John Frederick Savellano, isa sa mga miyembro ng Philippine Marines na nasawi sa halos isang buwang pakikipag-bakbakan sa ISIS-Maute group sa Marawi City.
Inihatid sa kanyang huling hantungan si Savellano sa Libingan ng mga Bayani, sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Plano sanang pakasalan ni Savellano ang kanyang fiance ngayong taon pero sa halip na kampana ang sumalubong, umalingawngaw ang 21-gun salute at pagsabog ng mga kanyon bilang pagpupugay sa nasawing sundalo.
Si Savellano na platoon commander ng 37th marine company ng marine battalion landing team-7 ay tinamaan ng shrapnel mula sa isang mortar round at binaril sa ulo ng Maute sniper, noong Hunyo a-nwebe.
Ang team din ng junior offical ang nakadiskubre sa 52.2 million peso cash ng teroristang grupo.
By Drew Nacino
Isa sa mga nasawing miyembro ng Phl Marines binigyan ng hero’s burial was last modified: June 19th, 2017 by DWIZ 882