Balik-kulungan na ang isa sa mga National Democratic Front (NDF) consultants na pansamantalang pinalaya noon para lumahok sa peace talks.
Ayon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group- National Capital Region o PNP-CIDG-NCR, si Rafael Baylosis ay naaresto sa Aurora Boulevard Corner Katipunan Avenue Quezon City kasama ang isang hinihinalang New People’s Army (NPA) na si Guillermo Roque.
Nagkaroon pa di umano ng habulan bago naaresto ang dalawa at nakumpiska sa kanila ang dalawang kalibre 45 baril, mga bala at ilang dokumento.
Si Baylosis ang kauna-unahang NDF consultant na naaresto mula nang kanselahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks at isulong na maideklarang teroristang grupo ang NPA.
(Ulat ni Jonathan Andal)