Nagbigay ng update si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa sa kalagayan ng kanyang mga nakasama nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa Laguna nuong March 5.
Ayon kay Gamboa, patuloy ang kanilang pagdarasal para kay Major General Jose Maria Ramos na hanggang ngayon ay comatose pa ang kalagayan.
Samantala, nakaka kilala na at nakakausap na paminsan-minsan si Major General Mariel Magaway at sumasailalim na ito sa physical at occupational therapy.
Sinabi ni Gamboa na maging ang kanilang mga piloto ay sumasailalim na rin sa rehabilitasyon.
Matatandaan na kasama si Gamboa at maging si PNP spokesman Brigadier General Bernard Banac sa bumagsak na chopper subalit mabilis silang naka recover at nakabalik sa trabaho.