Pinag-aaralan na ng National Bureau of Investigation (NBI) na gawing testigo ang isa sa mga guest ng room 2207 ng City Garden Hotel sa Makati City.
Ito’y para magbigay linaw hinggil sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera na natagpuang wala nang buhay sa kaniyang hotel room nuong Enero 1.
Nabatid na nagpasundo ang naturang guest na kabilang sa itinuturong persons of interest sa kaso ni Dacera mula Tacloban sa Leyte para makapagbigay ng kaniyang salaysay sa pangyayari.
Magugunitang makailang beses naglabas-masok si “Tintin” sa nasabing silid bago siya ihatid ng kaniyang kaibigan sa room 2209 kung saan siya naka-check in.
Sinasabing isasailalim sa beripkasyon ang pahayag ng nasabing person of interest kung makapagbibigay linaw ito sa kaso bago ito gawing testigo.