Nagpositibo ang isa sa siyam na pulis na sangkot sa pamamaril at pagptay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu nuong isang linggo.
Iyan ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa matapos na hindi matuloy ang nakatakdang pagharap ng mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte nuong biyernes.
Ayon kay Gamboa, isasalang ang mga ito sa confirmatory test (RT-PCR) upang malaman kung covid positive ang mga ito bago dalhin sa Kampo Crame para ilagay sa preventive custody.
Inaasahan ngayong linggo ay makararating na sa Kampo Crame ang siyam na pulis kasama si Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region Director P/Bgen. Manuel Abu.
Gayunman, sinabi ni Gamboa na hihintayin muna ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NBI sa insidente bago naman nila simulan ang pagdinig sa kasong administratibo laban sa mga ito.