Sumuko kay Senador Ping Lacson si John Paul Solano, isa sa mga itinuturing na suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo lll dahil sa hazing.
Sa panayam media, sinabi ni Solano na lumutang siya upang patunayang wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Castillo at haharapin niya ang anumang kasong isasampa laban sa kaniya.
Inamin ni Solano na miyembro siya ng Aegis Jvris, ang fraternity na sinasabing nasa likod ng hazing kay Castillo.
Binigyang diin ni Solano na wala siya nang maganap ang hazing at dumating lamang siya sa lugar nang tawagan siya ng kaniyang mga kasamahan sa naturang fraternity para magbigay ng medical assistance kay Castillo.
They were in chaos that time so I was not there, they need medical assistance, I’m a medical health provider so more or less they would call me.
He’s half dead, so, more or less, I cannot give a final verdict that he is dead because I am not a doctor that time.
So, he is unconscious. I did give him a CPR. When I can’t do anything else I brought him to the hospital.
I am not a law student right now, so, I don’t know him personally.
Kasabay nito ay humingi na paumanhin si Solano sa magulang ni Castillo dahil nagsinungaling siya nang sabihin niyang natagpuan lamang niya sa kalsada si Castillo.
First and foremost, I would like to apologize for giving a false statement for that matter to the family of Atio and also for the death of their son.
I would shed light to this matter through my Attorney, they are preparing a statement.
Actually, it’s getting worst.