Patay ang isa sa mga suspek na responsable sa pagpatay sa mag iina sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Kinilala ng Bulacan Provincial Police Office ang suspek na si Joselito Cortez na nagpakamatay umano sa palikuran ng San Jose Del Monte Police Station.
Ang labi ni Cortez ay nakita ng kapwa bilanggo nito na nakasabit sa palikuran gamit ang electric wires na nakapalupot sa leeg nito.
Kaagad namang isinugod si Cortez sa isang district hospital at nakatakdang isailalim ang labi sa autopsy para malaman kung nagkaroon ng foul play sa insidente.
Sina Cortez at Wilson Nosal ang suspek sa pagpatay kina Jaymee Casabuena biding at dalawang anak nito sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian noong April 3.
(with report from Jaymark Dagala)