Hawak na ng Manila Police District o MPD ang isa sa mga suspects sa pagpapasabog sa Quiapo, Maynila noong Abril 28.
Iprinisinta sa publiko ni MPD Director, Chief Superintendent Joel Coronel ang suspect na si Abel Macaraya at naglabas na rin ng composite sketch ng iba pang suspect na kinilalang sina Ali Moro at Raymond Mendoza.
Sinabi ni Coronel na mayroon nang umiiral na operasyon upang matukoy ang pinagtataguan ng iba pang suspects.
Iginiit ni Coronel na ang pagpapasabog ay bahagi lamang ng lokal na problema sa peace and order sa Maynila at hindi kagagawan ng mga terorista.
Sa isinagawang press conference ay itinanggi ni Macaraya na miyembro sya ng ISIS.
Sa kabila ng pagkakahuli kay Macaraya, sinabi ni Coronel na bagamat solved na ang unang kaso ng pagpapasabog sa Quiapo, hindi pa nila ito isinasara.
Ilang kalye sa Quiapo binuksan na matapos ang naganap na kambal na pagsabog noong Sabado
Binuksan na sa trapiko at pedestrians ang Norzagaray at Elizando Streets sa Quiapo, Maynila kung saan naganap ang kambal na pagsabog na ikinasawi ng dalawa katao noong Sabado, Mayo 6.
Ayon kay Chief Supt. Joel Coronel, natapos na nila ang imbestigasyon sa pinangyarihan ng pagsabog.
Gayunman, mananatili anya ang check points sa iba’t ibang bahagi ng Quiapo at pinaigting rin ang presensya ng pulisya sa lugar.
“Binukas na po natin yung kalye doon ho sa Norzagaray sa vehicular traffic at pedestrian traffic ngunit nag iwan ho tayo ng check points hanggang ngayon, Dinagdagan ho natin ng police visibility patrol at magsasagawa pa rin tayo ng saturation drives o anti-criminality operations, tuloy-tuloy po yun at nakikipag-ugnayan rin kami sa mga community elders dito sa Quiapo district, san apo makipag-tulongan”, ani Coronel.
Samantala, sinabi ni coronel na isusulong nila ang pagrepaso sa sinusunod na protocol ng mga delivery service.
Matatandaan na grab delivery service ang ginamit para pumik-up ng bagahe na naglalaman ng bomba.
Nasawi rin sa pagsabog ang driver ng grab.
“Kaya ng apo makikipag-ugnayan din kami dito sa mga military services na para po ma-review at makonsulta, maisalin yung kanilang existing procedures, na manggagaling sa delivery dahil maaari pang mapadala through their services ang mga kontra pampasabog”, pahayag ni kay Chief Supt. Joel Coronel sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre |With Report from Aya Yupangco