Iniutos ng Angeles City Regional Trial Court Branch 58 ang pagpapalaya kay Ramon Yalung na isa sa mga itinurong suspek sa pagdukot at pagpatay sa korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ito’y batay sa impormasyong nakuha ng DOJ o Department of Justice makaraang maghain sila ng amended information na nag-aabsuwelto kay Yalung sa kasong kidnapping with homicide.
Una rito, lumabas sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng DOJ Panel of Prosecutors na hindi idinawit ng mga suspek na sila SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Jerry Omlang si yalung sa pagdukot at pagpatay sa koreanong si Jee.
Magugunitang tatlong (3) buwan din nakulong si Yalung sa Angeles City District Jail dahil na rin sa pagkakadawit sa kaniya ng may-bahay ni Jee na si Marisa Morquicho.
By Jaymark Dagala |With Report from Bert Mozo