Nasa kostudiya na ng Muntinlupa City PNP ang isa sa mga suspek sa malagim na pagpatay sa isang mag-ina sa Sta. Rosa, Laguna.
Sinasabing sinamahan ito ng isang opisyal ng barangay sa himpilan ng pulisya para pormal na i-turn over.
Magugunitang isang David dela Cruz ang nagpakilalang internet repairman mula sa Globe Telecom ang nagpunta sa bahay ng biktima saka isinagawa ang masamang balak.
Ngunit maliban sa nagpakilalang tauhan ng Globe, may ilan pa itong kasama na nakuhanan ng CCTV habang ginagawa ang krimen kung saan, pinatay ang mga biktima gamit ang martilyo.
Mastermind
Ininguso ng isa sa mga sumukong suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Sta. Rosa, Laguna ang mister ng biktima na siyang mastermind umano ng naturang pagpaslang.
Batay sa ikinumpisal ng suspek na si raMoncito Gallo kay Kapitan Celso Dioko Barangay Cupang, Muntinlupa, sinabi nitong ang mismong asawa ng biktimang si Pearl Helene Sta. Ana na si Richard ang nag-utos sa kanilang patayin ang misis nito sa halagang P60,000.
Kwento ni Gallo, bahagi umano ito ng paghihiganti ng mister sa misis niyang may relasyon sa ibang lalake.
Binigyang diin ni Gallo na kusa na siyang sumuko dahil sa inuusig na siya ng kanyang konsensya.
By Jaymark Dagala | Ralph Obina