Inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa Guagua Pampanga ang isa sa most wanted person’s ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nanggaling ang ulat sa Pampanga Police Provincial Office (PPO).
Kinilala ang naaresto na si Crispin Jimenez, 34 anyos sa operasyon sa Jose Abad Santos Avenue sa Guaguna barangay Matias.
May patong na P130,000 sa ulo si Jimenez na wanted sa dalawang counts ng rape.
Binati naman ni Carlos at ni PPO Director Brigadier General Mattew Baccay ang mga opisyal na umaresto kay Jimenez. —sa panulat ni Abby Malanday