Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay kay Bulacan Regional Trial Court Judge Wilfredo Nieves.
Sa bisa ng arrest warrant, nadakip ang suspek na si Jay Joson sa loob ng Prime Global Hospital sa Molino, Bacoor, Cavite kaninang alas-2:00 ng madaling araw.
Si Joson na pansamantalang nakadetine ngayon sa Kampo Krame, ang sinasabing driver ng sasakyan kung saan sakay ang gunman na si Arnel Janoras na bumaril umano kay Nieves.
November 11, 2015 nang tambangan si Judge Nieves sa Malolos, Bulacan.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal