Kontrolado na ng Russian Army ang isa sa pinaka-mahalaga at strategic na lungsod sa Ukraine.
Sa ikapitong araw ng bakbakan, nakubkob ng mga Russo Ang Kherson City sa Southern Ukraine na nagdurugtong sa Crimea, na walong taon nang okupado ng Russia.
Ayon kay Russian Defence Ministry Spokesman Igor Konashenkov, pinalibutan ng mga sundalo ang lungsod at napasok ang sentro nito matapos ang ilang oras na sagupaan.
Maayos naman anyang nakipag-ugnayan ang mga lokal na opisyal ng Kherson sa Russian Army at nananatiling operational ang lahat ng public services habang sapat din ang supply ng pagkain at tubig sa lugar.
Gayunman, nanindigan ang alkalde ng Kherson na si Igor Nikolayevna nananatili sa ilalim ng Ukraine ang lungsod.