Inabot ng mahigit 8 oras ang matinding traffic sa ilang bahagi ng EDSA matapos ang biglang buhos ng malakas na ulan dulot ng thunderstorm, kagabi.
Pasado alas-6:00 nang magsimula ang traffic kasabay ng malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa pagbaha sa Maynila, Pasay, Pasig, Makati, Mandaluyong, San Juan, Marikina at ilang bahagi ng Quezon City.
Nagmistulang parking lot ang EDSA partikular sa mga panulukan ng Shaw at Ortigas, Mandaluyong City; C-5 flyover sa Pasig dahil naman sa karambola ng apat na sasakyan; Baclaran, Pasay bunsod ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA-Taft at Macapagal avenues.
Pasado alas-2:00 kaninang madaling araw nang magsimula namang humupa ang traffic pero nag-resulta ito sa pagka-stranded ng libu-libong pasahero na halos isumpa ang paglalakad at paghihintay ng masasakyan ng mahigit apat na oras.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)