Sumuko ang isa sa mga suspek ng 2016night market bombing sa Davao City kahapon sa tanggapan ng Cotabato City Police.
Kinilala ang suspek na si Mohammad Lalaog Chenikandiyil alyas “Boy” kasama ang kaniyang abogado na si Atty. Wilmer Donasco na nagtungo kay Senior Supt. Rolly Octavio, hepe ng Cotabato City Police.
Ayon kay Octavio sumuko aniya si Chenikandiyil para linisin ang kaniyang pangalan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang naturang suspek.
Kabilang si Chenikandiyil sa inilabas na arrest order number 2 ng Department of National Defense o DND kasunod ang pagdeklara ng Martial Law sa Mindanao bunsod ng Marawi siege.
—-