Kinunan na ng salaysay sa PNP-CIDG o Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Region 3 si Lee Ki Hoon.
Isa si Lee sa tatlong Koreanong kinotongan ng mga pulis sa Angeles, Pampanga
Ayon kay CIDG Region 3 Director Senior Superintendent Edwin Quilates, kasama ni Lee ang mga opisyal sa Korean Embassy upang tulungan siyang maghain ng reklamo.
Una na umanong pinakiusapan ng PNP ang nasabing koreano na bumalik sa Pilipinas upang magsampa ng kaso.
Bukod sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo, matatandaang lumutang din ang mga kasong hulidap ng mga Pulis-Pampanga sa tatlong Koreanong turista.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal