Isang aide ng kandidato sa pagka-provincial board member ang sugatan sa pagsabog ng improvised explosive device habang dumaraan ang convoy ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa Barangay Upper Nangi sa bayan ng Upi.
Kinilala ni Maguindanao Provincial Police Director, Col. Jibin Bongcayao ang nasugatang si Abdulraof Usman, 32- anyos, residente ng bayan ng Datu Hoffer.
Si Usman ay miyembro ng staff ni Board Member Candidate Datu Nathaniel Midtimbang, na noo’y naka-buntot sa convoy ni Governor Mangudadatu.
Pauwi na sina Mangudadatu at kanyang mga ka-partido mula sa isang campaign sortie sa South Upi nang maganap ang insidente dakong hapon.
Hindi naman nasugatan ang gobernador dahil nakalampas na ang kanyang sasakyan mula sa blast site.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na insidente.