Sinibak ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang isang sundalo sa Lanao del Sur dahil sa reklamong pagiging abusado nito.
Kinilala ang sinibak na sundalo na si Corporal Marlon Lorigas, nakatalaga sa isang checkpoint sa bayan ng Marantao.
Si Lorigas ay inireklamo ng verbal abuse matapos umanong murahin ang mga pasahero ng isang bus na dumaan sa checkpoint.
Iniimbestigahan pa ng AFP ang naturang sundalo na nahaharap sa kasong administratibo.
By Judith Larino / (Ulat ni Jonathan Andal)