Pumanaw na ang beteranang aktres na si Isabel Granada, matapos ang halos dalawang linggong pagkaka-comatose sa Doha, Qatar dahil sa aneurysm.
Kinumpirma ni Geryk Aguas na dakong ala una kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas nang sumakabilang buhay sa ospital ang kanyang dating asawa sa edad na 41.
Magugunita noong Oktubre 15 nang mag-collapse ang dating “That’s Entertainment” member habang nasa fan meet and greet event sa Doha.
Dekada otsenta nang magsimula sa showbiz si Isabel bilang teen star popular TV show na “That’s Entertainment.”
Kabilang sa mga pinagbidahan ng aktres ang mga pelikulang “Bakit Madalas ang Tibok ng Puso” noong 1986 at “Shake Rattle and Roll 2” noong 1990.
Samantala, nakatakdang i-uwi sa Pilipinas ang labi ng aktres na si Isabel Granada.
Ipinabatid ito ni Arnel Cowley, partner ni Isabel matapos sumakabilang buhay ang aktres sa Doha, Qatar alas sais ng gabi doon o alas onse kagabi dito sa Pilipinas dahil sa aneurysm.
Ayon pa kay Cowley, posibleng i-cremate ang labi ni Isabel subalit naka depende naman ito aniya sa ina ng aktres na si Mommy Guapa.
Si Isabel ay una nang idineklarang brain dead ng mg doktor sa Qatar noong October 27.
Inaasahan namang babalik sa Pilipinas ngayong araw na ito ang ilan sa mga kaanak ni Isabel na nagtungo sa Qatar matapos ma-coma ang aktres.