Stable na ang kondisyon ng aktres na si Isabel Granada.
Ipinabatid ito ni Chuckie Dreyfus, bagamat nananatili pa ring comatose si Isabel.
Ayon kay Chuckie, stable na ang vital signs ni Isabel at umaasa na lamang ang kaniyang mga doktor na magigising na ito.
Patuloy na umaapela si Chuckie ng dasal para sa dating ka loveteam.
Nagtataka si Chuckie kung bakit sinapit ni Isabel ang nasabing kondisyon gayung very athletic ito.
Kasabay nito, nakiusap si Chuckie sa mga nagpapakalat ng maling balita hinggil kay Isabel na itigil na ang ginagawa dahil buhay na buhay ang kaniyang matalik na kaibigan.
Magugunitang nitong Martes ay bigla na lamang bumagsak si Isabela habang nagba-badminton.