Muling isinailalim sa general community quarantine (GCQ) ang lalawigan ng Isabela ngayong araw dahil sa pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, hindi kasama ang lungsod ng Santiago na muling isasailalim sa GCQ.
Paliwanag ni Roque, mismong si Isabela Governor Rodito Albano ang humiling sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force na muling higpitan ang quarantine status ng lalawigan.
Samantala, tatagal ang muling pag-iral ng GCQ sa lalawigan hanggang sa ika-31 ng Disyembre, 2020.