Handang-handa na ang dalawang lalawigan sa Norte na inaasahang tatamaan ng Bagyong ‘Ramon’.
Tiniyak ito nina Isabela Governor Rodito Albano lll at Cagayan Governor Manuel Mamba.
Ayon kay Mamba, nasa red alert na sila simula pa ng Huwebes at nagsasagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na malimit masalanta ng baha.
Suspendito na ang klase sa lahat ng antas sa Isabela at Cagayan at isinara na rin sa trapiko ang mga kalsada kung saan pwedeng magkaroon ng landslides.
Sinabi ni Albano na sinuspinde na rin nya ang pasok sa gobyerno at pribadong opisina upang mapaghandaan ng mga magulang ang bagyo.
Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga lugar na malimit na masalanta ng baha.