Balewala kay Isabela Governor Rodito Albano ang pagkakabilang sa lalawigan bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) hotspots.
Ayon kay Albano, mas marami at malaki ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit probinsya na nakakapangamba dahil hindi pa rin natutukoy kung anong variants ng COVID-19 ang patuloy na lumalaganap sa bansa.
Kasabay nito, sinabi ni Albano na bagamat tumataas ang kaso ng COVID-19, dumarami rin ang nagnanais na magpabakuna.