Tinuligsa ng iba’t ibang grupong maka kalikasan si Isabela Gov. Rodito Albano dahil sa pagsisinungaling nito na wala nang illegal minning at illegal logging sa kanilang lalawigan.
Ito’y kasabay naman ng naging pag-amin ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na tuloy pa rin ang ganitong klase ng aktibidad sa kanilang lugar sa Cagayan.
Ayon sa grupong Alyansa Tigil Mina, ang mga residente mismo ng Isabela ang siyang magpapatunay na nagsisinungaling si Albano.
Giit ni Jaybee Garganera ng ATM, kung magkakasa lang ng aerial survey tulad ng ginawa nuon ng yumaong DENR Sec. Gina Lopez, tiyak na sasambulat ang malawakang pagkasira ng kalikasan at talamak na quarrying at minning sa mga nabanggit na lalawigan.
“huwag sanang magbulag-bulagan si Governor Albano at ang mga opisyal ng Isabela, kahit sinasabi nilang wala ay kabaligtaran ito dahil meron naman talaga. Ang problema sa illegal mining, quarrying at logging ay magkakaugnay, para makapagoperate ng minahan at quarry ay kailangan na magputol ng puno at yan ang nangyayari”pahayag ni Garganera.